Which is more ok, “Mapagkamalang MAYAMAN pero hindi naman or mapagkamalang MAHIRAP pero may pera”?
Seen this Chinkee Tan post shared by a Facebook friend. It’s so straight to the point that I had to store it on this blog for personal consumption. Usually what happens is that, once flooded on FB, it will be gone.
Meron ka bang kakilala na mahilig magpa-impress?
Bibili ng 500 square-meter na house and lot, at ipo-post sa mga social networking sites ang bawat sulok ng napagawang bahay.
Hindi pa makuntento at bibili din ng madaming sasakyan na ubod ng mahal. Kahit hindi magagamit lahat, okay lang. Ang importante ay may nakabalandra sa harap ng bahay.
Meron din halos malubog na sa pagkakautang, makumpleto lang ang make-up set na kinokolekta.
Ok lang naman naman mag-post ng mga pinagpaguran mo, pero ang tanong, ano ang iyong motibo?
Kung may kakilala kayong mga taong ganito, at nagtataka kayo kung bakit sila ganito, ito ay dahil sa kanilang …
INSECURITY
Ang gusto nilang pagtuunan ng pansin ay ang pag-gain ng APPROVAL from other people. Gusto maging ‘IN’ sa circle of friends ng mayayaman.
Gusto mag pa-impress to LOOK SUCCESSFUL. Pero in reality, lubog naman talaga sa utang.
Marahil kaya ganito ang kanilang priority ay dahil sa kanilang …
CHILDHOOD
Napagkaitan ng pansin noong kabataan nila, kaya nung tumanda at nagkaroon ng means to get more ATTENTION, nagpasikat na. Lahat na lang ng mabibili, bibilhin kahit hindi naman kailangan.
O kaya naman ay sinanay ng magulang na dapat bawat kilos ay para ma-impress ang mga tao sa paligid. Ang resulta, nasa SISTEMA na ang pagpapa-impress hanggang sa tumanda. At ang bawat sweldo ay nakalaan para ma-impress ang mga kaibigan at kamag-anak.
At dahil dito, ang mga taong mahilig mag pa-impress ay makakaranas ng …
EMOTIONAL INSTABILITY
Kapag hindi nila na impress ang mga tao, they get DEPRESSED. Then they will find other ways and try harder to please everybody. Madalas nauubos na ang sariling resources kaya manghihiram na ng pera basta
makapagpa-impress lang sa ibang tao.
Pero imposible na maging successful ka lagi sa pagpapa-impress, kasi you can NEVER please everyone all the time. Mapapagod ka lang. Para kang tumatakbo sa treadmill na hindi tumitigil. Malamang ang maging ending
pa nyan ay malubog ka sa utang dahil magiging cycle na yan.
At ang kailangan mong gawin para iligtas ang sarili mo sa ganitong klaseng cycle ay …
MAGPAKATOTOO KA
Kapag kasi busy ka sa pagpapa-impress, nawawala na yung totoo mong pagkatao. And ang mangyayari is posible na MABALEWALA mo na yung good values mo, like your INTEGRITY.
Huwag mong gawin na main goal ang ma impress ang ibang tao sa iyo. Hayaan mo na maging RESULTA ito nang pagiging honest mo as a person
Kung wala ka talagang pera para bumili ng bagong cellphone, huwag mo nang i-lead ang sarili mo sa pagkakautang para lang may maganda kang maipakita sa mga friends mo. AMININ mo sa sarili mo na hindi mo pa kaya bumili ng bago at pagtiyagaan mo muna ang lumang cellphone mo.
ACCEPT THAT YOU’RE NOT PERFECT
Tao ka lang kaya may HANGGANAN ang iyong kakayanan. Huwag mong ipagpilitan na kaya mong i-please ang lahat nang nasa paligid mo kasi hindi mangyayari yun.
APPRECIATE mo yung mga resources mo that will help you to have a better life. Hindi mo dapat hayaan na maubos ang pera mo para lang magpasikat, to the point na hindi mo na nami-meet ang basic needs mo.
At kapag pinahalagahan mo ang bawat pera na dumadating sayo, mas maraming BIBILIB sayo.
MABUTI NA ANG MAPAGKAMALANG MAHIRAP PERO MAY PERA KAYSA MAGPANGGAP NA MAYAMAN PERO BROKE NAMAN!
THINK. REFLECT. APPLY.
Parte na ba ng buhay mo ang mag pa-impress?
Pagod ka na ba mag-effort to impress other people?
Anong mga paraan ang ginagawa mo para hindi maubos ang resources mo sa pagpapa-impress?