rich

4 Things I Learned About Rich People by Chinkee Tan

A very short and good post from Chinkee Tan. Let’s all learn and attend his event!

Maraming tao ang nais yumaman, pero iilan lang ang mga seryosong gumagawa ng paraan para yumaman.
Ito ang mga bagay na natuklasan at napag-aralan ko tungkol sa mga mayayaman:

Rich vs. Poor
Rich vs. Poor
  1. Rich people are CONSISTENT.
    Lahat ng malalaki ay nag-uumpisa sa maliliit.
    Lahat ng mayayaman ay marunong mag-ipon.
    At kung sila ay mag-iipon, hindi ito ‘one-time, big time’ kundi paunti-unti.
    Kahit mga patak ng ulan ay iipunin, dahil naniniwala sila na darating ang araw na mapupuno rin ito.

    consistent
    Rich people are consistent
  2. Rich people are PATIENT.
    Hindi sila mainipin. Alam nila na lahat ng mga bagay sa buhay ay may proseso. Ang tagumpay ay hindi nakakamit sa isang iglap lang. Kailangan matutong magtiis at magtiyaga.
    Kaya nga may kasabihan na, “kung walang tiyaga, walang nilaga”. Kung magmamadali ang isang tao, prito lang ang pwede niyang kainin.

    Rich people are patient
    Rich people are patient
  3. Rich people are DISCIPLINED.
    Ito ang napansin ko sa mga kakilala kong mayayaman.
    Sila ang mga taong matipid.
    Sila ang mga taong marunong magtimpi.
    They know how to practice the principle of DELAYED GRATIFICATION.
    They are willing to sacrifice short-term comfort for long-term gain.
    Kahit anong mangyari, hindi nila gagamitin ang savings nila sa mga bagay na hindi nila kailangan.
    Why? Because…

    Rich people are disciplined
    Rich people are disciplined
  4. Rich people are DETERMINED.
    As in, sobra silang determinado.
    Ito ang mga taong kahit mayaman at matagumpay na, hindi pa rin nagbabago ang kanilang determinasyon.
    They have a “do-whatever-it-takes” attitude para makamit kung ano ang gusto nila.
    Minsan nga, kung sino pa ang mayroon, siya pa ang determinado. Kung sino naman ang walang-wala, siya pa ang papetiks-petiks.

    Rich people are determined
    Rich people are determined

    I hope na may napulot kayo sa maikli, pero makabuluhang blog na ito.
    THINK. REFLECT. APPLY.

    Gusto mo bang yumaman?

    CONSISTENT ka bang MAG-SAVE?
    PASENSYOSO ka bang MAGHINTAY?
    DISIPLINADO ka bang GUMASTOS?
    DETERMINADO ka bang MAKAMIT ang gusto mo?

    P.S.
    Kung galit ka sa kahirapan at sa sitwasyon mo ngayon at naghahanap ka ng solusyon para sa mga problema mo financially, I wish for you to be a part of my event on November 30, 2016 – MoneyWise | How to have money for Life?

    chink

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *