I saw this from a FaceBook friend with the title “BEWARE!!! BAGONG CREDIT CARD FRAUD MODUS OPERANDI“. I thought it was originally from her. Further reading revealed that the original author is her friend Kim Santos.
According to her post, someone pretended to be a representative of a credit card company and offered to increase her credit limit to P1Million plus freebies – imagine that! Good thing she had the presence of mind to call the credit card company after.
Below is her original post along with the photo of the Letter and Envelop used.
Mag iingat po kayo sa mga pupunta sa bahay niyo at sasabihin na itataas ang credit limit ng mga credit card niyo. Kanina may pumunta dito sa bahay, around 7pm, at nagsabi na inapprove daw ng BPI na itaas ang credit limit. 1 MILLION na daw ang bagong credit limit. Bibigyan pa daw ng bagong BPI PETRON Platinum card. At dahil nakakaoverwhelm, inentertain yung nagdala nun letter at binasa yung letter. Dahil clouded yung isip mo about sa 1 MILLION, late na nun napansin namin na yung papel na ginamit, hindi pangkaraniwan na papel. Yung texture niya mukang mumurahing papel, yung sobre, mukang print lang sa computer pati yung logo ng bpi sa letter.
Para masabi na legit sila, may manager pa na sinasabi at nagbigay ng phone number ng sinasabi nilang BPI branch so pakiramdam mo talaga legit yung letter.
Magsasabi pa sila ng info about BPI at sinasabi na pagnagpapa-waive daw ng charges, kala daw libre un pero binabawas talaga daw sa points. May ID pa sila ng BPI na kopyang kopya ang ID ng mga empleyado ng BPI. Pag nakuha na un tiwala mo at nakikita ng convinced ka dun sa sinasabi nila, sasabihin na kelangan kunin ang lahat ng credit card mo para papalitan nila ng bago after 3 working days. Once na ibigay mo yung card mo, may isusulat silang cancelled dun sa likod ng card at ilalagay sa sobre tpos isseal kunwari.
After umalis nun nagdala nun sulat, may tumawag na bakla at tinatanong kung nakaalis na daw ba yung nagdala ng sulat. Parang unusual ng lahat ng pangyayari kaya tumawag agad kami sa 89-100 para iconfirm at sinabi nga nila na wala daw silang pinapadala na ganon. First time daw sila naka-encounter ng ganon at hindi totoo na pag nagpapa-waive ng charges, mababawasan yung points. Sabi nun customer representative, wala daw silang access sa points at once na andun na un, hindi na mababawasan unless gamitin mo yung points mo. Sabi din ng customer representative, ang turn-around-time nila para sa card replacement ay 5 working days which means mali un sinasabi na 3 working days at confirm din nila na wala silang BPI PETRON Platinum card. Nun na-block na yung credit card, biglang may tumawag na bakla at tinatanong kung nakaalis na daw ba yung nagdala ng sulat. Maya maya tinawagan namin yung phone number na binigay at may sumagot, “Hello BPI” daw. To think 8pm na yon at may sumasagot pa. Nun hinahanap namin un sinasabing manager daw, biglang binaba yung phone at yung mga sumunod na tawag hina-hang na yung phone.
HINDI NATIN ALAM KUNG CREDIT CARD FRAUD LANG BA TALAGA YUNG INTENTION O PWEDENG NAGMAMATIYAG DIN SA LOOB NG BAHAY NIYO BAKA BAGONG MODUS DIN NG MGA MAGNANAKAW. IBIG SABIHIN LANG NITO, MAY NAKAKAACCESS SA SYSTEM NG MGA BANGKO KAYA SANA MAGIINGAT PO TAYO.
PLEASE SHARE SA LAHAT NG KAKILALA NIYONG MAARING MABIKTIMA NG MGA TAONG ‘TO.
Please SHARE to your friends to inform them and not fall to this kind of modus!