Para maiba lang ng konti, hayaan nyong ilahad ko ito sa ating wikang Filipino.
Noong nakaraang Marso, saktong ika 26, taong kasalukuyan (2014) ay nagkaroon ako ng karangalan na maimbitahan na magsalita sa aking alma mater kung saan ako grumadyet ng elementarya.
Trivia – Ako po ay grumadyet sa Mababang Paaralan ng Pulong Bayabas, San Rafael Bulacan. Kung hindi ako nagkakamali, 34 kaming grumadyet noong 1992.
Bagamat may kaunting alinlangan noong una, pumayag na din ako. Sino ba naman ako para tumanggi? Sa totoo lang, pinangarap ko din na balang araw ay magsasalita ako sa harap ng mga batang gagradweyt para makapagbigay ng inspirasyon sa kanilang tatahakin sa buhay.
At dahil hindi umabot ang aking Konsehalang pinsan na si Aiza Mapoy noong magsalita ako, ipinangako ko sa kanya na ipopost ko na lang ito sa aking blog.
Kaya’t heto na yun.
To the teacher in charge and members of the faculty, proud parents, and most of all, the graduates. My congratulations.
Kumusta mga graduates? Masaya ba kayo at gagraduate na kyo?
Kumusta mga parents? I’m sure you are likewise happy on your children’s graduation day. I hope so. 😀
Can I tell you a story first?
May isang mayaman na matandang lalaki at mayron siyang isang anak na babae. Gusto sana nya, bago sya mamatay, ay makasal ang kanyang anak. Maraming manliligaw, ngunit karaniwan ang habol lamang ay ang kanilang kayamanan.
Sa kagustuhan ng tatay na makahanap ng karapat dapat na mapapangasawa ng kanyang anak, nagsagawa sya ng paligsahan para sa mga kalalakihan. Na kung sino man ang magwawagi ay maaaring pumili sa sumusunod na premyo
- 10 milyong piso
- 10 hektaryang lupain
- o ang mapangasawa ang nag iisa nyang anak.
Sa araw ng paligsahan, ang daming nagdatingang kalalakihan. May mataba, may payat, may matangkad, may maliit, may gwapo at may hindi ka-gwapohan.
Ang paligsahan ay pabilisang lumangoy sa swimming pool. Nagsigawan ang lahat, excited na.
But there’s a catch. Ang swimming pool ay puno ng mga buwaya, piranha at ahas.
Isa isa, biglang nag atrasan ang mga kalalakihan. Ok sana ang premyo pero mamamatay ka naman.
Sa gitna ng kaguluhan, biglang may isang tumalon. Dali daling naglapitan ang buwaya at piranha kaya’t mabilis na naglangoy ang lalaki.
To make the story short, nakatawid ang lalaki. Tuwang tuwa ang matanda at mabilis na nilapitan ang lalaki.
“Pambihirang galing ang iyong ipinamalas. At dahil dyan, maaari kang mamili kung ano ang gusto mong premyo? ” Halos di makasagot ang lalaki dahil sa hingal.
“Gusto mo ba ng 10 milyon?”
“Hindi po”, sagot ng lalaki.
“Gusto mo ba ng 10 hektaryang lupa?”
“Hindi po”.
Sa wakas, naisip ng matanda, makakapag asawa na ang anak nya.
“Gusto mo bang pakasalan ang anak ko?”
“Hindi rin po”.
“Teka, hindi ko mainitindihan. Ano ba ang talaga ang gusto mo?”
“Gusto ko lamang po malaman kung sino ang nagtulak sa akin?“
Nakakatuwa but then again, there’s a lesson in that story and it’s related why you’re here right now? Balikan natin mamya kung bakit.
When my nanay told me that the teachers were considering me to be the guest speaker today, naisip ko agad, bakit ako?
Ang alam ko, ang mga naiimbita lang na guest speaker sa mga graduation are those who are already successful in life.
Naisip ko, siguro naisip nila successful na ako. But then again, what’s the definition of being successful?
According to the dictionary – Success is attainment of position, honors, wealth, goal and the like.
Maybe in a way, I am. Not in being wealthy or having high position, but because I have found my passion, my mission, my calling – and that is to help other people in managing their finances.
But before I start with the details, maaari nyo bang itaas ang inyong kanang kamay? Pagkatapos ay tapikin ang katabi nyo sa kanan at sabihing – “makinig ka, para maging successful ka din”.
Itaas ang kaliwang kamay, tap the person beside you and say – “oo nga, at ng maging speaker ka din balang araw”.
Around 22 years ago, kagaya nyo din ako na excited gumising, naligo, nagpa pogi, pumunta dito kasama ng aking mga magulang dahil sa wakas ay gagraduate na ako.
Kagaya nyo, anim na taon din akong naglalakad papasok sa school, umulan man o umaraw. Minsan pa nga, kahit baha.
Pagkatapos ng elementary, nag high school, hoping na makahanap ng magandang trabaho. Only to realize, hindi pala ganun kadali yun.
In my line of work, we have survey that says only 10 out of 100 Filipino Children who graduated elementary school, will graduate from college.
And in the same survey, it says that only 1% or 1 out of 100 will be wealthy when they reach the age of 60. Nakakalungkot isipin di po ba?
But here’s the good news, you don’t have to be a college graduate to be successful. But don’t get me wrong, being educated is very important. It’s just that, education doesn’t always have to come in school.
Kilala nyo ba si Bill Gates? Founder of Microsoft. Steve Jobs, Apple computer, Iphone, Ipad. Mark Zuckerberg, Facebook. All of them didn’t even finish college.
You might say, eh international naman po yan. We also have counterpart here in the Philippines.
The founder of Mang Inasal didn’t even finish college, but he’s a billionaire.
Some would even say, malamang ung valedictorian or salutatorian na un. Maybe! But did you know na mas madami akong kakilala na successful ngaun, pero di naman sila valedictorian or salutatorian or even honor students when they graduated?
Raise your right hand and tap the person next to you. “May pag asa ka”. Raise your left hand and tap the person on your left. “Tama kaya dapat tayong magsumikap”.
Let me share you 5 simple tips – 5 secrets on how you can be successful.
- Always Read. Be hungry for learning. Di mo kailangang pumasok sa eskwela para lang makapag aral. Di mo kailangan ng bagong libro para lang matuto. Try to borrow from your friends, cousin, tito at tita. Napakaraming bagay po ang natutunan ko sa pagbabasa ng kung ano anong libro na di naituro sa iskwelahan. Sabi nga ni Ernie Baron – Knowledge is Power.
- Be financially educated. Learn about money. Dapat matutong humawak ng pera. Hindi puro gastos lang. Matutong mag ipon habang bata. That way, when you’re earning your own money, you would know something to look forward to when you grow old. Magkano ba dapat ang itinatabi or iniipon. Dapat daw ay nagtatabi tayo ng 20% of whatever we’re earning. Magkano ang 20%? Kada P10, dapat save mo ung P2. Or kada P100, save mo ung 20.
- Take Action. Madami sa atin, alam naman ang dapat gawin pero di ginagawa. Alam natin na dapat. Pasintabi po sa mga naninigarilyo. Ano ang nakasulat sa kaha ng sigarilyo? “Government warning – Smoking is dangerous to your health”. Ang tawag dun knowledge. Eh bakit patuloy padin na naninigarilyo? Kasi walang power. Any amount of knowledge is useless, if you will not apply it. Alam mo na kailangan mag review para makakuha ng mataas na grade, but if you will not do it, wala din.
- Focus on your strengths, develop it and be consistent. In one of the books I read, karaniwan daw, we focus on weaknesses rather than strength. Halimbawa, mahina sa math, dun pinapa tutoran. Tama din naman. But did you know that when we focus more on our strengths, the results will be tremendous. You may be good in writing stories, drawing, singing, dancing, speaking, sports, memorizing, computations, analyzing. So I advise parents to observe also your children. San ba xa magaling? Then encourage them to do that more. Help them develop that gift. How do you develop your strengths? Praktis, praktis, praktis. A famous author noted, for one to become a world class in whatever you do, practice for 10,000 hours. If you practice 4 hours a day, and 5days a week – that’s roughly 9 1/2 years.
How do you start? For example, you like writing. Try to write a diary. Write everything that happens to you daily. Write a blog. If you’re good in singing, join a choir. Sing in the church.
- And lastly, look for a good pusher. Remember our story in the beginning? Why do you think that man wants to know who pushed him in the swimming pool? Kasi kung hindi dahil sa kanya, di nya malalaman na kaya nya palang lumangoy ng sobrang bilis. Kung hindi dahil sa kanya, hindi siya magtatagumpay.
You’re here right now, about to graduate, dahil may tumulak sa inyo?
Tanda nyo ba ung mga pagkakataon na akala mo di ka matututong magsulat pero natuto ka? Kasi may tumulak sayo.
Tanda nyo ba ung pagkakataon na di ka pa marunong bumasa pero natuto ka? Kasi may tumulak syo.
Tanda mo din ba na tinatamad kang mag aral, pero ngaun, magtatapos ka na. Kasi may tumulak syo.
Tanda nyo ba ung mga pagkakataon na sabi mo di ka mangongopya, pero ginawa mo? Kasi may tumulak syo.
In life, you will encounter a lot of these pushers. Some will push you to do good. Others will push you to do bad. So you have to be careful. Look for pushers who will lead you to the right path.
So let me end my long speech with my wish for all of you. May you have people who will listen and spend time with you, encourage you, believe in you and Push You in greatness. May you embrace learning, always taking action, develop your strengths and may God watch over you.
Again, congratulations to all of you.
Ilan sa mga larawang kuha nung araw na yun.
Maaaring ibahagi. Pindutin lamang ang SHARE o LIKE na buton. 😀